作词 : Joao De Leon
作曲 : Joao De Leon
Oras nang sambahin ang ngalan mo
Para mabuhay habambuhay sa puso’t isipan mo
Sino ba ako para mapansin mo
Mga dalangin ko sa’yo sana’y pakinggan mo
Pa’no ba ako magiging ‘sang santo
Para makasama kita diyan sa tabi ng trono mo
Ilan pa’ng pagsubok ang daraanan ko
Bago ako makaranas ng mga milagro mo
O ang langit ay nandito lamang pala sa lupa
At ang impyerno ay nasa isipan ko at pinalimot ng iyong ganda
Umaawit ang mga anghel
Umaawit ang mga anghel
Nagdiriwang sila nang makasama kita
Huwag ka sanang mawawala
Mamamatay akong nakangiti
Kapag ikaw ang nasa aking tabi
Mabubuhay akong nagsisisi
Kapag isang araw hindi kita mapapangiti
Kalapastangan ang ‘di ka ibigin
Kalokohan ang ‘di ka isipin
Kung ang mundo ay biglang gugunawin
Ikaw ang una kong hahanapin
歌词
下载
THE END
喜欢就支持一下吧
![fitterkarmа《kalapastangan》[WAV/MP3-320K]-悠悠无损音乐 - 音乐磁场,HiFiNi,免费无损音乐,无损歌曲,无损音乐网](https://uuwsyy.com/wp-content/uploads/2025/09/om.jpg)


暂无评论内容